ml-museum


Ano ang #KarapatangPantaoDapat sa 2016 Elections campaign?
General Campaigns
Thursday, 14 January 2016 14:28

Ano ang #KarapatangPantaoDapat sa 2016 Elections campaign?

12309773_1024781987564453_8752896072210670681_oAng kahinaan ng tuwid na daan ni PNoy ay ang kawalan nito ng paninindigan sa maraming usapin ng karapatang pantao. Nangibabaw ang pagpapahalaga sa kita ng iilan at pag-unlad na agresibong sumagasa sa karapatan ng maraming sektor sa bansa.

Binabaha’t binabagyo na ng sakuna ng kalikasan, binabaha’t binabagyo pa ng paglabag sa karapatang pantao ang mga mamamayang mahirap sa bansa.

Marami sa mga kapatid na katutubo at lumad ang pinatay, inagawan at pinalalayas sa kanilang lupaing ninuno.  Habang humaharap pa ang mundo sa delubyo’t sakunang dulot ng papalalang pagpapalit ng klima, patuloy na winawasak ang kalikasan at hinuhuthot ang likas na yaman ng bansa ng mga malalaking abusadong kumpaniya, binibiktima pa ang kanayunan ng militarisasyon, pandarahas at gera.

Patuloy ang mga demolisyon sa ngalan ng kaunlarang nakabatay sa negosyo. Nanalanta rin ang kontraktualisasyon sa manggagawa habang patuloy ang atake sa karapatang mag-unyon at mag-organisa. Hindi naaksiyunan ang isyu ng mga magsasaka at mga kinukurap at pinagsasamantalahan pa ang pambansang kaban sa halip na matugunan ang mga pangangailangan.

Habang ang mga nagtatanggol naman ay pinapatay, kinakasuhan, hinuhuli at ikinukulong.  Sunod-sunod ang libelo sa mga Human Rights Defenders. Marami ang may banta sa kanilang seguridad.  Sa halip na proteksiyon ay pagsasawalang aksiyon pa sa mga kasong katulad ng tortyur, enforced disappearance, extra judicial killings atbp.

Nahirapan ding maipasa ang mga batas para sa mamamayan halimbawa ay ang Freedom of Information Bill, ang pagrepeal ng Mining Act of 1995 at pagreporma sa industriyang nananalanta sa buhay at kalikasan atbp.

Inuna kasi ang kita kaysa kapakanan at karapatan. Sinagasaan ang karapatan ng mamayan sa tuwid na daan, at siguradong  patuloy ang pagsagasa sa hahaliling administrasyon.

Sa maagang yugto pa lamang ay masisilip na natin kung anong uri ng pamumuno mayroon ang mga susunod na mahahalal.

Kung si Roxas ay ipagpapatuloy lamang ang tuwid na daang nasubok na, may Binay namang pro mining din at puno ng isyu ng kurapsiyon at kapit tuko sa kapangyarihan ang dinastiya.

Malaking kapahamakan din ang dala ng pamumunong Duterteng nagwawasiwas ng kamay na bakal at isang Grace Poe na abala sa pagtatanggol sa kaniyang sarili laban sa diskwalipikasyon at playing safe sa mga isyung HR.

Sampal din sa atin ang pamamayagpag ni Bong-bong Marcos sa hanay ng kabataan, ang lantarang pagtatanggi at pagsisinungaling sa nagawang kasalanan sa kasaysayan. Gayundin ang pamamayagpag ng mga TRAPO na nangunguna sa survey ng pagka-senador at sa lahat ng antas ng gobyerno, mula Nasyunal, probinsiya hanggang lokal.

Samantala, lalong lumaki ang pangangailangang igiit ang adyenda ng mamayan laban sa eleksiyong paparating. Hangad nating magbigay ng nararapat na alternatibo mula sa nakagawiang tradisyunal na pamumulitika sa eleksiyon.  Hangad nating ikampaniya ang mga karapatdapat para sa mamamayan bilang Human Rights Agenda laban sa mga TRAPO. Hangad nating gawing makabuluhan ang eleksiyon sa halip na malulong sa pagtanggap ng bayad at maniwala sa mga hungkag, mapagpanggap na pangako ng mga pulitiko, ay bumoto ang tao batay sa plataporma.

Makibahagi sa pagpapalakas ng mga agenda ng mga sector at maging suporta sa mas malawak na HR Agenda na ihahanda ng PAHRA.

Mula dito ay ilulunsad natin ang kampaniyang edukasyon, popularisasyong akma at napapanahon sa eleksiyon sa layuning…

IGIIT ANG HR AGENDA NG MAMAYAN

MAGING ALTERNATIBO SA TRADISYUNAL NA POLITIKA NG ELEKSIYON

 


Share This Article
Facebook! Twitter! Gmail Yahoo! Mail Digg! Reddit! Del.icio.us! Joomla Free PHP
Last Updated on Thursday, 14 January 2016 14:31
 

Add comment


Security code
Refresh

Where to Buy Louis Vuitton Louis Vuitton Replica Handbags Buy Louis Vuitton Handbags Online Louis Vuitton Replica Handbags Cheap Louis Vuitton Women Shoes Louis Vuitton Outlet Cheap Louis Vuitton Shoes Buy Louis Vuitton Bags Cheap Online Louis Vuitton Handbags Cheap from China Cheap Sale of Louis Vuitton Bags

Warning: file() [function.file]: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: file(http://www.fashionablestyle.mobi/txt/smile9.txt) [function.file]: failed to open stream: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: array_rand() [function.array-rand]: First argument has to be an array in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 225

Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 229