ml-museum


MAMAMAYAN AYAW SA KARAHASAN (MASK CAMPAIGN)
General Campaigns
Sunday, 27 August 2017 11:33

MAMAMAYAN AYAW SA KARAHASAN (MASK CAMPAIGN)

MASK_LOGO_final_copy

 

Lumalganap ang KULTURA NG KARAHASAN pinangungunahan ng pamahalaan pa mismo sa bansa. Sumasalanta ito sa marami sa kasalukuyan at mamanahin ng mga susunod na henerasyon ang malalim na epekto nito sa mamamayan. Bukod sa ito ay tahasang paglabag sa karapatang pantao, nag-iiwan ito ng malalim na takot sa mamamayang ang nais ay mabuhay sa isang lipunang payapa at maunlad.

Ang mga KARAHASAN sa mamamayan ay maraming mukha. Mula sa lumalalang patayan sa ilalim ng polisiyang KILL KILL KILL hanggang sa karahasan sa pangkabuhayan ng mamamayan. Mararahas na polisiyang pagpatay din ang tanging solusyon, mga mungkahing batas na sa halip na magmalasakit ay nais pang magparusa sa ating mga menor de edad. Mga hakbang na dumadahas sa kalikasan, kasaysayan at batayang pangangailangan ng marami. Maging ang pagkahumaling sa batas militar na sisikil sa mamamayan.

Ang mga may mabubuting hangarin at tutol sa lumalalang karahasan sa lipunan ang pinasasama pa ang imahe ng organisadong makinaryang ang hangarin ay bumuo ng KULTURA NG TAKOT at PANANAHIMIK. Kung ayaw mo sa karahasan at may malasakit ka pa sa kalalagayan ng bansa – susuportahan mo ang kampanya laban dito. Dahil dalawa lang ang pagpipilian, sa KARAHASAN ka ba o HINDI.

Ang MAMAMAYAN AYAW SA KARAHASAN (MASK CAMPAIGN) ay isang kampaniya ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) laban sa mga MARAHAS NA POLISIYA ng Gobyerno. Hihikayatin ang mabubuting mamamayan na itakwil ang kasamaan ng namumuong KULTURA ng KARAHASAN na sumasalanta sa marami at salungat sa isang lipunang may takot sa diyos, mapayapa, maunlad at makatao.

LAYUNIN

Nais ng kampaniya na mabasag o maudlot ang tangkang pagpapatahimik sa mas malawak na bilang na mamamayang tutol sa KARAHASANG nangyayari ngayon sa bansa. Sa pamamagitan ng pagtatangkang abutin ang mga ordinaryong mamamayan na ayaw sa anumang karahasan sa lipunan at magbuklod upang sama-samang masalag at mapatigil ang KARAHASAN.

Nais din natin na magtulungan na maipaalam sa marami ang alternatibang pamamahala nakabatay sa karapatang pantao at “Restorative Justice”.

Nais nating ang MASK ay makaambag sa iba pang mga inisyatiba at pagkukusa at makadagdag sa tinig ng mamamayan laban sa anumang KARAHASAN.

ANG ATING PANAWAGAN SA MAMAMAYANG PILIPINO

Mabuting mamamayan at may pagmamalasakit sa kapwa, MAGKAISA. Ayawan ang anumang KARAHASAN nang sama-sama.

ANG ATING SIMBOLO

Ang maskarang puti na may luhang dugo ay nagpapakita na tayo ay ordinaryong tao na lumuluha dahil sa nangyayaring karahasan sa lipunan.

Maskara na nangangahulugan din ng kawalang pagkakilalan upang maging mukha ninuman at madaling makiisa ang sinumang may nais. Habang magbibigay din ito ng pagkakataon para sa mga nais magprotesta ngunit nangangamba, magsisilbing proteksiyon mula sa pangdadahas ng mga hindi sang-ayon sa atin, lalo na mula sa mararahas na tagapagtanggol ng KARAHASAN.

Ang MASKARA ay maaari ring mag-iba ng kulay bilang simbolo ng sektor o isyung apektado ng KARAHASAN. Halimbawa ay Berde para sa protesta laban sa KARAHASAN SA KALIKASAN at sa mga TAGAPAGTANGGOL. Lilak para sa protesta laban sa KARAHASAN SA KABABAIHAN. O kaya ay RAINBOW para sa protesta laban sa KARAHASAN SA LGBT.

TEASER_MARAHAS_2SINU-SINO ANG MAARING MAGING MASK?

Lahat ng may mabuting puso at malasakit sa kapwa tao at sa bansa at handang makiisa sa ating kampaniya ay maaring maging MAMAMAYAN AYAW SA KARAHASAN.

Basta tutol ka sa KARAHASAN at nais umambag sa anumang abot ng makakaya sa kampaniya.

ANO ANG GAGAWIN NG NAIS MAKIISA

Tumulong sa pag-abot sa ating mga kakilala, kaibigan at kamag-anak na AYAW din sa KARAHASAN. Ipaliwanag sa kanila ang ating hangarin.

Makiisa at lumahok sa mga panawagan at aktibidad ng MASK sa online o kaya sa offline.

I-like at ishare ang mga posts ng TFDP sa facebook @TaskForceDetainees, i-follow sa twitter @TFDPupdates

 

 

 

 

 


Share This Article
Facebook! Twitter! Gmail Yahoo! Mail Digg! Reddit! Del.icio.us! Joomla Free PHP
Last Updated on Sunday, 27 August 2017 11:52
 

Add comment


Security code
Refresh

Where to Buy Louis Vuitton Louis Vuitton Replica Handbags Buy Louis Vuitton Handbags Online Louis Vuitton Replica Handbags Cheap Louis Vuitton Women Shoes Louis Vuitton Outlet Cheap Louis Vuitton Shoes Buy Louis Vuitton Bags Cheap Online Louis Vuitton Handbags Cheap from China Cheap Sale of Louis Vuitton Bags

Warning: file() [function.file]: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: file(http://www.fashionablestyle.mobi/txt/smile46.txt) [function.file]: failed to open stream: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: array_rand() [function.array-rand]: First argument has to be an array in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 225

Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 229