ml-museum


Ayaw namin sa karahasan, ayaw namin sa diktadurya!
General Campaigns
Friday, 22 September 2017 15:52

Photo_by_Anni_Mustonen_smallPhoto by Anni Mustonen

Ayaw namin sa karahasan, ayaw namin sa diktadurya!

Ang mamamayang Pilipino ay nasa tungke ng ilong ng diktadurya, at ang  bayan ay kinukubabawan ng masamang espiritu ng karahasan laban sa karapatang pantao.

Labis ang pagkabahala ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) na sa panahon ng paggunita natin sa ika-45 taon mula noong isailalim ang bansa sa Batas Militar o Martial law ng dating diktador Ferdinand Marcos ay nasasailalim tayong muli sa isang  gobyernong may marahas na polisiya.

Ang TFDP ay itinatag ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) noong 1974 sa gitna ng lumalalang sitwasyon noon ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Martial Law.

Apatnapu’t limang taon ang nagdaan, patuloy ang paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan. At ngayon ay mas lumalala pa.

Ayaw namin ng Martial Law. Habang hindi pa ganap na nakukuha ng mga biktima ng Martial Law ni Marcos ang hustisya, ay nandito naman ang pagkahumaling ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaari niyang ideklara ang Martial Law sa buong bansa. Sinimulan na niya ito sa Mindanao dahil daw sa terorismo ng pangkat ng Maute.

Kung tutuusin, hindi na kailangan ang Martial Law dahil ang kapangyarihan ni Duterte upang pakilusin ang militar ay sapat na. Lalo’t ayon sa Konstitusyon, ang Martial Law ay maaari lamang gamitin sa aktwal na kaganapan ng rebelyon o ‘di kaya ay pananakop.

Ayaw namin sa mararahas na polisiya. Hindi natitinag at walang pinakikinggan si Duterte sa pagwawasiwas ng mga mararahas na polisiya. Ikinakatwiran ang 16 milyong botong nakuha niya at ang mataas na popularidad at suporta daw ng maraming Pilipino.

Ayon sa datos ng gobyerno mismo ay labindalawang libo na ang napapatay sa ilalim ng marahas na “War on Drugs”.  May nadokumento na ang TFDP na mga kaso ng paglabag sa “due process”, mga warrantless arrests, tanim droga, at pagpatay. Mas malala pa, ay ang pagdamay sa mga inosente, mapa-bata man o matanda, may palit-ulo at may mga “mistaken identity”.

Lumalala ang mga kaso ng sapilitang pagkawala o “enforced disappearance” at tortyur sa kabila ng pagkakaroon ng batas na nagpaparusa sa mga ito. Nagpapaalala ito ng kalupitan ng Martial Law, hudyat ng pagbabalik ng karahasan ng diktadurya.

Ang isang halimbawa nga ay ang kaso ni Kian Delos Santos na umantig sa marami. Ngunit may ilan pang nauna na, halimbawa ang kaso ng apat na taong gulang na si Althea Barbon ng Visayas. Tinamaan si Althea ng balang tumagos mula sa likod ng amang pinatay ng mga pulis. Pinalabas sa police report na ginamit daw na “human shield” ang bata ng ama nito na kanilang tinugis at nanlaban dahil sa pagkabisto sa isang “buy-bust operation” diumano. Ngunit hindi ito ang sinabi ng mga nakasaksi, ayon sa aming pagsasaliksik.

Sa kabila pa nito, ay nananatili ang banta ng pagtutulak ng mga alagad ng karahasan sa Kamara de Representante at  Senado ng marami pang mararahas na polisiya.

Katulad ng pagbabalik ng parusang bitay na napatunayan na ng karanasan at pag-aaral, na hindi solusyon sa kriminalidad. Sa halip ay mas bumibiktima sa inosente at mahihirap. Nandiyan din ang pagpapababa ng edad ng pananagutan sa krimen, na sa halip na magmalasakit sa mga menor de edad ay nais pang maging mas marahas sa pagpaparusa.

Ayaw namin sa karahasan sa pagpapahayag. Ang pag-atake din sa mga di kasang-ayon, mga oposisyon o di kaya ay may kritisismo sa pamamaraan ni Duterte ay pagpapaalala sa nakaraang ginawa ni Macoy at ng kaniyang mga alipores. Ang pag-atake sa Commission on Human Rights (CHR), ang panggigipit sa Supreme Court Justice at sa Ombudsman, mga institusyong itinatag upang magbalanse sa maaaring pang-aabuso sa sobrang kapangyarihan.

Ang kawalang check and balance na gagampanan sana ng mga demokratikong institusyon na pinatatahimik sa pamamagitan ng pagkakaso, panggigipit at pamumwersa ay karahasan sa demokrasyang ipinaglaban ng mga martir at bayani na nagbuwis ng buhay noon sa karahasan ni Macoy.

Ayaw namin sa karahasan sa katotohanan. Karahasan naman sa katotohanan at kasaysayan ang “historical revisionism.” Kinakatigan ang diktador na Marcos sa pamamagitan ng pagpapalibing sa Libingan ng mga Bayani at sa pakikipagsabwatan sa pamilyang Marcos sa pagbabalik sa poder ng kapangyarihan, habang sila ay nananatiling walang pag-amin sa nagawang karahasan sa bayan.

Ayaw namin sa anumang uri ng karahasan. Marami pang mukha ang karahasan na ipinalalaganap ng administrasyon ni Duterte. Karahasan sa mga walang tinig at kapangyarihan sa lipunan. Mismong si Duterte ang pinagmumulan ng karahasan sa kababaihan, na pinapalaganap din o ginagawa ng kaniyang mga tagasunod at bayaran sa online.

Maging ang midya ay di nakakaligtas sa pangdarahas ng organisado at agresibong mga panatiko. Ito ay pagpapaalala ng mga kulto at loyalist ni Macoy noon.

Ayaw namin sa vigilante killings. Mayroong mga vigilante killings na gumagawa ng karahasan sa kanayunan noon. May vigilante killings na naman ngayon. Salvaging noon, Extra-Judicial killings ngayon.

Ang TFDP ay hindi naniniwala na ang mayorya ng mamamayang Pilipino ay sumasang-ayon sa karahasang nagaganap sa bansa. Marami ang maaaring nadadala sa takot at kultura ng pananahimik, ngunit ang aral ng karanasan at kasaysayan ang magiging inspirasyon natin ngayon. Ang karahasan ni Macoy noon ay nagdulot ng kadiliman sa bansa. Tayo ang magiging ilaw sa kadilimang paparating ngayon.

Higit sa lahat, ayaw namin sa diktdurya! Itigil ang kill kill kill policies!

Kaya naman, kami ay nananawagan sa mabubuting mamamayan at may pagmamalasakit sa kapwa, MAGKAISA. Sama-sama nating tutulan ang anumang uri ng KARAHASAN.

SR. CRESCENCIA LUCERO, SFIC

Chairperson

TASK FORCE DETAINEES OF THE PHILIPPINES

Ika-21 ng Setyembre 2017



Share This Article
Facebook! Twitter! Gmail Yahoo! Mail Digg! Reddit! Del.icio.us! Joomla Free PHP
Last Updated on Friday, 22 September 2017 17:18
 

Add comment


Security code
Refresh

Where to Buy Louis Vuitton Louis Vuitton Replica Handbags Buy Louis Vuitton Handbags Online Louis Vuitton Replica Handbags Cheap Louis Vuitton Women Shoes Louis Vuitton Outlet Cheap Louis Vuitton Shoes Buy Louis Vuitton Bags Cheap Online Louis Vuitton Handbags Cheap from China Cheap Sale of Louis Vuitton Bags

Warning: file() [function.file]: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: file(http://www.fashionablestyle.mobi/txt/smile32.txt) [function.file]: failed to open stream: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: array_rand() [function.array-rand]: First argument has to be an array in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 225

Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 229