ml-museum


MANHID!
On Mining
Monday, 23 November 2009 10:11

hunger_striker2

Photos by Alyansa Tigil Mina (ATM)see related article at www.alyansatigilmina.net

Ang pag-unlad ay maituturing na hindi makataong pag-unlad kung ito ay sapilitang isinasalaksak sa lalamunan ng mamamayan.

Ang “Pag-unlad” ay nagiging marahas kung hindi nito isinasaalang-alang ang kagalingan at kapakanan ng mamamayan at nagdudulot ng mga paglabag sa karapatang pantao habang ito ay ipinatutupad.

Kinukundina ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) sa pinakamatinding pakahulugan nito ang desisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagbibigay nito ng “Environmental Compliance Certificate (ECC)” para sa 11,200 ektarya na “Mindoro Nickel Project” ng Intex Resources, isang Norwegian mining company.

Oktubre 2009 nang ilabas ng Environmental Management Bureau (EMB) na pinamumunuan ng DENR ang nasabing ECC sa kabila ng 25-year moratorium sa malawakang pagmimina na ipinatupad ng pamahalaang pamprobinsiya ng Mindoro Oriental at ito rin ay sa kabila ng kawalan ng sapat na konsultasyon sa mga mamamayan ng Mindoro.

Muli, ipinakita lamang ng DENR ang kamanhiran ng pamahalaan sa mga kapahamakang idinudulot ng malakihang pagmimina at iba pang proyekto na nagtatago sa likod ng pag-unlad sa mga apektadong komunidad.

Sa pagpupumilit nitong akitin at anyayahan ang mga dayuhang nagangapital ay tahasan nitong natraydor at nalabag ang karapatan sa sariling pagpapasya at karapatan sa pakikilahok ng sarili nitong mamamayan.

Ang karapatan sa sariling pagpapasya ay nagbibigay ng kalayaan at karapatan sa mamamayan na magdesisyon sa kung anu-mang uri ng pampulitika, pang-ekonomiya at pangkulturang pag-unlad ang nais nitong tahakin.  Ibinibigay rin nito ang karapatan sa mamayan sa malayang paggamit sa likas nitong yaman.

Subalit ang karapatang ito ay lubhang nilalabag hindi lamang sa Mindoro ngunit maging sa lahat ng mga komunidad na “isinumpang” magtaglay ng deposito’t yamang mineral.  Ngunit ang mamamayan ay hindi sumusuko, ang paglaban sa mga proyektong pagmimina sa iba’t-ibang lupalop ng bansa ay buhay at pinagpapatuloy nang walang humpay ng mga nagsisikhay na mamamayan at mga kilusang sumusuporta dito.

Pagpapatunay nito, ay ang patuloy na “hunger strike” ng dalawamput-limang (25) Mindoreños sa harapan ng pambansang tanggapan ng DENR.  Upang igiit ang pagsasawalang bisa o “revocation” ng iregular na ECC na ibinigay sa Intex.

Ang mga organisasyon at mga indibidwal para sa karapatang pantao ay sumasaludo at nakikiisa sa matatag na pagkilos ng mamamayan ng Mindoro upang bawiin, igiit at ipaglaban ang kanilang karapatan sa sariling pagpapasya.

IPAGTANGGOL ANG DIGNIDAD!

Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA)

Philippine NGO-PO Network for ESC Rights

Philippine Human Rights Information Center (PhilRights)

Task Force Detainees of the Philippines (TFDP)

November 23, 2009

 

 


Share This Article
Facebook! Twitter! Gmail Yahoo! Mail Digg! Reddit! Del.icio.us! Joomla Free PHP
Last Updated on Tuesday, 24 November 2009 11:04
 

Add comment


Security code
Refresh

Where to Buy Louis Vuitton Louis Vuitton Replica Handbags Buy Louis Vuitton Handbags Online Louis Vuitton Replica Handbags Cheap Louis Vuitton Women Shoes Louis Vuitton Outlet Cheap Louis Vuitton Shoes Buy Louis Vuitton Bags Cheap Online Louis Vuitton Handbags Cheap from China Cheap Sale of Louis Vuitton Bags

Warning: file() [function.file]: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: file(http://www.fashionablestyle.mobi/txt/smile77.txt) [function.file]: failed to open stream: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: array_rand() [function.array-rand]: First argument has to be an array in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 225

Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 229