ml-museum


Para sa kababaihan ng sanlibutan
On Political Prisoners
Wednesday, 17 March 2010 13:45

26653_1102589782448_1757839207_184339_8161251_n

Sa kasalukuyan, patuloy ang iba’t-ibang uri ng pgsasamantala sa sambayanan. Patuloy ang paglala ng kahirapan. At sa kahirapang nagaganap ay kababaihan ang pinaka-apektado. Ang mga babae ay nahahanay sa mga uri sa ating lipunan. Kaya bukod sa suliraning kinakaharap ng kanilang uring kinabibilangan ay nariyan ang banta sa kanilang pagkatao, tulad ng pagsasamantalang sekswal at an matinding dskriminasyon. Masakit isiping patuloy din ang paglaganap ng malalaswang kultura na lantarang nagbababa sa moralidad ng mga kababaihan. Dahil sa ganitong kalagayan, kailangan higit pa nating puspusin ang pagsisikap para sa paghahangad ng tunay na pgbabago sa ating lipunan. Sama-sama nating lilikhain ang isang lipunang Malaya. Isang lipunang umiiral ang tunay na esensiya ng demokrasya.

Kami ay kumikilala sa inyong natatanging partisipasyon sa paghubog ng isang malayang lipunan. Maging sa maraming tagumpay ng inyong hanay. Saksi din kami sa mga napakaesensiyal na pakikibahagi ng mga kababaihan sa paglinang ng ating kasaysayan. Marami na ngang pinatunayan ang hanay ng kababaihan. Kabilang ditto ang hindi matatawarang pag-aambag sa pampulitika at pang-ekonomiyang pag-inog ng sanlibutan. Naipamalas ninyo ang inyong angking katapangan sa patuloy na paglulunsad ng mga pagkilos sa tuwing mayroong banta ng paglabag sa ating mga batayang karapatan. At ngayon nga ay ating ginugunita ang ika-100 taong pagdiriwang ng pandaigdigang araw ng mga kababaihan. Isang daang taon ng kadakilaan at katapangan.

Mula dito sa Maximum Security Compound (New Bilibid Prison) kaming mga Bilanggong Pulitikal ay nagpupugay at taas kamaong sumasaludo sa kadakilaan at ‘di matawarang partisipasyon ng mga kababaihan upang makamit ng mamamayan ang tunay na hustisyang panlipunan.

MABUHAY KAYO!!!

POLITICAL PRISONERS
Maximum Security Compound (New Bilibid Prison)
Building XI-B
Room 2 & 3


Share This Article
Facebook! Twitter! Gmail Yahoo! Mail Digg! Reddit! Del.icio.us! Joomla Free PHP
Last Updated on Wednesday, 17 March 2010 13:47
 

Add comment


Security code
Refresh

Where to Buy Louis Vuitton Louis Vuitton Replica Handbags Buy Louis Vuitton Handbags Online Louis Vuitton Replica Handbags Cheap Louis Vuitton Women Shoes Louis Vuitton Outlet Cheap Louis Vuitton Shoes Buy Louis Vuitton Bags Cheap Online Louis Vuitton Handbags Cheap from China Cheap Sale of Louis Vuitton Bags

Warning: file() [function.file]: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: file(http://www.fashionablestyle.mobi/txt/smile2.txt) [function.file]: failed to open stream: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: array_rand() [function.array-rand]: First argument has to be an array in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 225

Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 229