ml-museum


Golden treasures of a tormented land
Y4R activities
Monday, 07 June 2010 11:47

IMG_1957

“Gintong Yaman ng Sinirang Bayan” is a satirical play about dreams, lives and relationships of families in a community in Northern Luzon that is being affected by the impending mining operation in the area.

The play is set in a barrio in Nueva Vizcaya during the course of a foreign mining company’s application in the province. The residents of the community find themselves with differing stands and opinions regarding the mining operation which poses to offer the residents with a golden opportunity.

IMG_1933IMG_1897

Ruben, in his search for the golden dream and his quest to make it big, grabbed the scholarship grant from the mining company, much to his mother’s dismay.  Other inhabitants of the community engage themselves in heated debates regarding the positive and negative effects the mining operation will bring.  

Ruben must decide.  Will he go after his golden dream despite the disapproval of his loved ones and the destruction of his native land?  What is the truth behind his father’s death and what will its implication be on Ruben’s decision?

IMG_1990

“Gintong yaman ng sinirang bayan” satirikong dula laban sa mina

Tagumpay ang naganap na pagtatanghal ng mga kabataang kasapi ng Youth for Rights (Y4R) sa Nueva Vizcaya.  Pinamagatang “Gintong Yaman sa Sinirang Bayan,” ang pagtatanghal ay idinaos sa mababang paaralan ng Barangay Pacquet, Kasibu, Nueva Vizcaya nitong ika-30 ng Mayo, 2010.

Ang dula ay isang satiriko o komedyang tumatalakay sa tunay na mga ginto sa buhay, pangarap, mga relasyon, pamilya at pamayanan ng isang baryong sinisimulang wasakin ng nag-aambang malawakang pagmimina ng isang dayuhang kumpanya.

Uminog ang kwento sa buhay ni Ruben at ng mga residente ng isang baryo sa Nueva Vizcaya.  Kung paanong ang pangako ng isang iskolarship ay tumungo sa pagkakahati ng kanyang pamilya.  Kasabay ng pagkakahati hati rin ng mga residente.  Sa bandang huli ay malalantad ang katotohanan ng mga panlilinlang at trahedya na idinulot ng hangaring minahin ang kanilang lupain.

Ang dula ay sa produksiyon ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa suporta ng embahada ng Australia.  Ito ay bahagi ng proyektong ADIK KA (Arte, drowing, indak at kanta ng kabataang artista para sa karapatang pantao.)  Isa sa mga nagwagi at napili sa patimpalak na KASAMA KA hinggil sa malikhaing pagpapalaganap ng kamulatan sa karapatang pantao.   

IMG_2000P1110577

Ang gabi ng dula ay nilahukan din ng mga katutubong nagmula sa tribu ng Bugkalot, Kalanguyan, Ifugao at iba pa.  Nagpamalas ang mga katutubo ng kani-kanilang ritwal at sayaw upang makiisa at ipakita ang kulturang nakaambang wasakin din ng malawakang pagmimina.   

Layunin ng proyektong ito na umambag sa pagpapalagananp ng katotohanan hinggil sa epekto ng malawakang pagmimina sa kalikasan at karapatang pantao. Ang dula ay pinanood ng mahigit 300 katao mula sa iba’t ibang barangay ng Kasibu, Nueva Vizcaya at muling itatangghal pa sa mga Unibersidad at komunidad sa Metro Manila.


Share This Article
Facebook! Twitter! Gmail Yahoo! Mail Digg! Reddit! Del.icio.us! Joomla Free PHP
Last Updated on Monday, 07 June 2010 12:08
 

Add comment


Security code
Refresh

Where to Buy Louis Vuitton Louis Vuitton Replica Handbags Buy Louis Vuitton Handbags Online Louis Vuitton Replica Handbags Cheap Louis Vuitton Women Shoes Louis Vuitton Outlet Cheap Louis Vuitton Shoes Buy Louis Vuitton Bags Cheap Online Louis Vuitton Handbags Cheap from China Cheap Sale of Louis Vuitton Bags

Warning: file() [function.file]: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: file(http://www.fashionablestyle.mobi/txt/smile61.txt) [function.file]: failed to open stream: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: array_rand() [function.array-rand]: First argument has to be an array in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 225

Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 229