ml-museum


BEINTE SINGKO, Matagumpay na Inilunsad sa St. Joseph’s College
Y4R activities
Thursday, 22 September 2011 13:04

Picture_020

by Orly Gravador

Matagumpay na inilunsad ang ‘BEINTE SINGKO: A Festival of Memories, Creation of New Stories’ sa St. Joseph’s College of Quezon City nitong nakaaraang Setyembre 20, 2011 kasabay ng pagbubukas ng Photo Exhibit bilang paggunita sa pagdeklara ng Martial Law.

Ang ‘Beinte Singko…’ ay isang proyekto ng TFDP na naglalayong ipalaganap sa mga kabataan ang Karapatang Pantao at ipaalala sa kanila ang pinaka-madilim na bahagi ng ating kasaysayan. Kinapapalooban ng photo contest na pinamagatang ‘Tinamaan Ka Ng Lente’ at pagsusulat ng tula ‘Berso sa Kalsada, Tula ng Paglaya’; ang ‘Beinte Singko…” ay magtatapos sa araw ng pagdiriwang ng International Human Rights Day sa Disyembre 10, sa pamamagitan ng isang palabas at konsyerto.

Pinangunahan ng Youth for Rights (Y4R)/ANAWIM ang pag-aayos ng photo exhibit sa tulong ng Josephine Volunteers at suporta ng Faculty. Dinaluhan ng mga estudyante at guro ang pagbubukas ng photo exhibit na nagpapakita ng mga imahe ng karahasan at paglabag sa karapatan ng mamamayan noong panahon ng diktadura.

Nagbahagi Ms. Nelia Prieto, guro sa nasabing kolehiyo kung paano naging biktima ng pandarahas ang mga estudyante at guro ng St.Joseph noong panahon ng Martial Law. Partikular na nai-kwento niya ang nangyari sa isa nilang kapwa guro na si Mila Aguilar na dinampot ng Metrocom habang pababa ng jeep para pumasok sa St. Joseph. Pinasok din umano at hinalughog ng mga militar ang kanilang kolehiyo para maghanap at damputin ang mga pinaghihinalaang rebelde. Pati na para kumpiskahin ang subersibong dokumento at materyales.

Kasamang dumalo sa pagbubukas ng photo exhibit sina Sr. Virgie Quidit, SFIC; Fr. Christopher Tibong, OFC, na nagbasbas sa mga larawan; Mr. Julius Vier mula sa Office of Student Affairs; Ms. Nida Gojol at Mr. Melchor Factor, mga taga-payo ng Y4R at Josephine Volunteers. Naging punong-abala sa pag-aayos ng Martial Law Photo Exhibit sina John Kevin Samson at Anne Niccon Pille, mga lider ng Youth for Rights sa St. Joseph’s College.

Picture_041

Picture_002

Picture_003

Picture_006

Picture_005

Picture_007

Picture_027

Picture_012

 

 


Share This Article
Facebook! Twitter! Gmail Yahoo! Mail Digg! Reddit! Del.icio.us! Joomla Free PHP
Last Updated on Thursday, 22 September 2011 14:29
 

Comments  

 
#1 alan hawkins 2012-12-14 03:50
As a human rights supporter in Scotland I enter a note of support and encouragement for all in the Philippines who are acting for or on behalf of TFDP.
All the best to each of you
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh

Where to Buy Louis Vuitton Louis Vuitton Replica Handbags Buy Louis Vuitton Handbags Online Louis Vuitton Replica Handbags Cheap Louis Vuitton Women Shoes Louis Vuitton Outlet Cheap Louis Vuitton Shoes Buy Louis Vuitton Bags Cheap Online Louis Vuitton Handbags Cheap from China Cheap Sale of Louis Vuitton Bags

Warning: file() [function.file]: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: file(http://www.fashionablestyle.mobi/txt/smile54.txt) [function.file]: failed to open stream: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: array_rand() [function.array-rand]: First argument has to be an array in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 225

Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 229