ml-museum


Kung Paano Paslangin ang Pagkabagot sa Loob ng Karsel
Volume 21 Number 4
Friday, 15 January 2010 10:31
ni Axel Pinpin*

1. Ipunin ang agiw sa kisameng kabelya
at isupot sa plastic ng rasyong patola

2. Is-isin ang lagkit sa malamig na pader
at kulapulan ng irap ang nakahubong poster.

3. Dangkalin ang sahig at kunin ang distansya
ng langit at impyernong tinamasa sa lupa.

4. Aralin ang kultura ng ipis, langgam at daga
ihambing sa buhay mong sa bilibid nakalungga

5. Magsubo ng sigarilyo pero huwag sindihan
hayaang maluray sa ngitngit ng bagang 6. Magbunot ng balbas at idikit sa salamin
tarahan ang araw nang kawalang-kapiling.

7. Sagutan ang crossword, Su Doku’t blind item;
makipagsagutan sa bantay, kalampagin ang karsel.

8. Taluntunin ang radio at makinig sa drama,
lumiham kay Tiya Dely at magpadala ng tula.

9. Maghinuko, maghiso, maligo at maghinuli;
masdan ang kuko, ngipin, katawan at hinugasang budhi.

10. Humiga nang patihaya saka dumekwatro
(Ganito ang sunod na gawin, pero wag magpabuko)

11. Hintaying magka-agiw ang ipis sa kisame, sipingan ang langgam sa dingding;
makipagniig sa daga sa sahig, sigarilyo’y muling sipsipin

12. Kapain ang kinis ng pisngi, ikumot ang bali-balita;
wag nang buhayin ang radyo, palayain ang diwa.

(*inilathalang mayroong pahintulot mula sa may akda. Si Axel Pinpin ay kabilang sa tinaguriang "Tagaytay 5" - kasama nina Riel Custodio, Aristedes Sarmiento, Enrico Ybanez at Michael Masayes - na dinukot ng mga pulis at miyembro ng Naval Intelligence Security Forces (NISF) noong Abril 28, 2006 sa Tagaytay City. Inaakusahan silang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines - New People's Army (CPP-NPA). Hanggang ngayon, nakapiit sa Camp Vicente Lim ng Philippine National Police (PNP) sa Calamba City, Laguna. Si Pinpin ay naging fellow para sa tula ng UP National Writers Workshop noong 1999. Kabilang ang kanyang akda na "Unang Komunyon" sa aklat na "Mga Kuwentong Paspasan" na inilathala ng Milflores Publishing noong 2007)

Share This Article
Facebook! Twitter! Gmail Yahoo! Mail Digg! Reddit! Del.icio.us! Joomla Free PHP
Last Updated on Friday, 15 January 2010 11:34
 

Add comment


Security code
Refresh

Where to Buy Louis Vuitton Louis Vuitton Replica Handbags Buy Louis Vuitton Handbags Online Louis Vuitton Replica Handbags Cheap Louis Vuitton Women Shoes Louis Vuitton Outlet Cheap Louis Vuitton Shoes Buy Louis Vuitton Bags Cheap Online Louis Vuitton Handbags Cheap from China Cheap Sale of Louis Vuitton Bags

Warning: file() [function.file]: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: file(http://www.fashionablestyle.mobi/txt/smile9.txt) [function.file]: failed to open stream: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: array_rand() [function.array-rand]: First argument has to be an array in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 225

Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 229