ml-museum


Bilangguan
Volume 21 Number 4
Friday, 15 January 2010 10:31
by Christopher Balneg (La Union Provincial Jail, September 20, 2007)

Mataas na bakod, kalawanging rehas
Pader na makapal, wari’y di matinag
Tanod de armas, sa lahat nakamatyag
Handang pumatay sa magtangkang kumalas.

Kayrami nang pangarap ang nilagay sa bartolina
Sa dilim at init halos di makahinga
OO nga’t kahit papaano’y nakakakain pa
Nguni’t kinabukasan at dangal ay halos mailibing na Hapdi ng kawalan ay lumalaganap
Sugat na idinulot ay di lang sa balat
Sa pagkatao ng masa’y walang habas ang pagyurak
Ng mga sakim na may-sala sa ating pagkakabihag.

Lipunang ginagalawan ay malaking bilangguan
Mataas na bakal ang pagitan ng mahirap at mayaman
Kalawanging batas ang nagsisilbing rehas
Hadlang sa pag-ahon sa kahirapang dinaranas.

Mamamayang bilanggo ng hirap at dusta
Apoy ng himagsikan
Pag-aalabin pa
Gupuin ang tanod ng pagsasamantala
Palayain lahat ng nagdurusa.

Bilangguang kinagisnan ay maglalaho din
Buong tatag ! Sama-sama !
Rehas ay putulin !

Tangan ang maso
Pader ay gibain
Bukas wala na ang bakod sa lupain.

Bukas wala na ang
Bilangguang mapang-alipin !

Share This Article
Facebook! Twitter! Gmail Yahoo! Mail Digg! Reddit! Del.icio.us! Joomla Free PHP
Last Updated on Friday, 15 January 2010 11:34
 

Add comment


Security code
Refresh

Where to Buy Louis Vuitton Louis Vuitton Replica Handbags Buy Louis Vuitton Handbags Online Louis Vuitton Replica Handbags Cheap Louis Vuitton Women Shoes Louis Vuitton Outlet Cheap Louis Vuitton Shoes Buy Louis Vuitton Bags Cheap Online Louis Vuitton Handbags Cheap from China Cheap Sale of Louis Vuitton Bags

Warning: file() [function.file]: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: file(http://www.fashionablestyle.mobi/txt/smile15.txt) [function.file]: failed to open stream: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: array_rand() [function.array-rand]: First argument has to be an array in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 225

Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 229